Shootout: 2 jailbreakers dedo, 3 nadakma
September 6, 2005 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Dalawang preso na nakapuga sa Laguna Provincial Jail ang kumpirmadong napatay matapos na makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya habang nadakma naman ang tatlo pang inmates sa isinagawang operasyon sa bahaging sakop ng Barangay Magdapio sa bayan ng Pagsanjan, Laguna kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni P/Chief Inspector Steve Ludan, Sta Cruz police chief, ang mga napatay na sina Maphol Magbanua at Dodong Lopez, habang naaresto naman sina Ronald Rivas, Louie Famador, at Victor Celestial.
Napag-alamang nakatanggap ng impormasyon ang pulisya mula sa mga opisyal ng barangay tungkol sa anim na armadong kalalakihang nagpapanggap na rebeldeng New Peoples Army (NPA)
Bandang alas- 3 ng madaling-araw, pagkatanggap ng impormasyon, agad nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng Sta Cruz PNP, Provincial Police Office, Police Mobile Group at Special Action Force hanggang sa masakote ang mga preso matapos ang maigsing putukan habang papatakas na sana sila sakay ng isang van.
Samantalang sugatan naman si Famador na nagtamo ng sugat ng paa.
Arestado naman sina Rivas at Celestial nang masukol ng mga awtoridad, samantalang nakatakas naman si Orlando Yulas matapos makapagtago ito sa mga iskinita ng nasabing barangay.
Narekober ng pulis ang isang M-16 Armalite rifle at isang shotgun rifle mula sa mga suspeks. Matatandaang nakatakas ang mga bilanggo matapos agawan ng baril Ang isang guwardiya na nakilalang si Socrates Herradura bandang alas-6 ng gabi noong Sabado.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended