Ang nasugatang sundalo ay tinukoy lamang sa pangalang 2nd Lt. Casalmer na mabilis na sinaklolohan ng mga kasamahan nito para madala sa pagamutan at hindi nakilala ang sugatang rebelde na duguang binitbit ng mga nagsitakas na komunista.
Base sa ulat na tinanggap kahapon sa tanggapan ni Army Chief Major Gen. Hermogenes Esperon, dakong alas-11 ng umaga nang magpanagupa ang Task Force Hunter ng Armys 2nd Infantry Division (ID) at 20 armadong rebelde sa Sitio Nayon, Brgy. Sta. Ines, Tanay ng nabanggit na lalawigan.
Tumagal ang palitan ng putok ng may 3 minuto bago tuluyang nagsitakas ang mga rebelde bitbit ang nasugatan nilang kasamahan patungo sa direksyon ng kagubatan.
Patuloy naman ang isinasagawang pagtugis ng militar, laban sa grupo ng naturang mga rebelde. (Joy Cantos)