^

Probinsiya

2 sugatan sa engkuwentro

-
Isang junior officer ng Phil. Army at isang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nasugatan sa panibagong sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng komunistang grupo kamakalawa sa Tanay, Rizal.

Ang nasugatang sundalo ay tinukoy lamang sa pangalang 2nd Lt. Casalmer na mabilis na sinaklolohan ng mga kasamahan nito para madala sa pagamutan at hindi nakilala ang sugatang rebelde na duguang binitbit ng mga nagsitakas na komunista.

Base sa ulat na tinanggap kahapon sa tanggapan ni Army Chief Major Gen. Hermogenes Esperon, dakong alas-11 ng umaga nang magpanagupa ang Task Force Hunter ng Army’s 2nd Infantry Division (ID) at 20 armadong rebelde sa Sitio Nayon, Brgy. Sta. Ines, Tanay ng nabanggit na lalawigan.

Tumagal ang palitan ng putok ng may 3 minuto bago tuluyang nagsitakas ang mga rebelde bitbit ang nasugatan nilang kasamahan patungo sa direksyon ng kagubatan.

Patuloy naman ang isinasagawang pagtugis ng militar, laban sa grupo ng naturang mga rebelde. (Joy Cantos)

vuukle comment

ARMY CHIEF MAJOR GEN

BRGY

CASALMER

HERMOGENES ESPERON

INFANTRY DIVISION

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

SITIO NAYON

TANAY

TASK FORCE HUNTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with