1 pang broadcaster kinatay
September 4, 2005 | 12:00am
PAMPANGA Karumal-dumal ang sinapit ng isa na namang mamamahayag matapos na matagpuang basag ang ulo nito at tadtad ng saksak sa katawan kamakalawa sa Angeles City.
Ang biktimang si Elaine Malit, 40, regular host ng programang Buhay Kalusugan sa GV-AM Radyo Sentro ay natagpuang may pitong saksak sa dibdib sa loob ng kanyang banyo sa #3808 Carlota de Leon St., Brgy. Sta. Teresita, Angeles City.
Nabatid na bukod sa tama ng mga patalim sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan, basag din ang noo ni Malit na indikasyon na pinukpok ito ng matigas na bagay ang kanyang ulo. Madaling-araw nang matagpuan ang biktima ng kanyang kamag-anak na si Maricel Gundran.
Agad namang inutos ni Chief Supt. Alejandro Lapinid ang pagbuo ng "Task Force Malit" upang agad na maresolba ang kaso. (Doris M. Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended