2 salvage victim, kinilala
September 4, 2005 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Positibong kinilala ng mga ka-pamilya ang dalawang bangkay na natagpuan na kapwa nakagapos ang mga kamay, paa at pinuluputan ng tape ang mata at bibig kamakalawa ng umaga sa loob ng taniman ng luya sa Barangay Sungay East, Tagaytay City.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Ananias Rafal, 42 anyos, truck driver ng ACCI Transport at residente ng Sitio Tala, Brgy. Pulo at Edgar Padua, 32, may asawa, truck helper at nakatira sa No. 705 Bagong Silang, Brgy. Sala, kapwa ng Cabuyao, Laguna.
Batay sa imbestigasyon ni PO2 Leonides Mendoza, may hawak ng kaso bandang alas-7 ng umaga ng matagpuan ang magkatabing bangkay ng mga biktima sa loob ng taniman ng luya na pag-aari ni Andoy Zapra.
Kapwa nakatali ang kamay at paa ng nylon cord, pinasakan ng rag ang bibig bago pinuluputan ng masking tape ang mata at bibig ng mga ito. Pinaniniwalaang pinatay sa ibang lugar ang mga biktima sa pamamagitan ng pagsakal ng wire sa leeg bago itinapon sa nasabing lugar. Ayon sa kapatid ng mga biktima na sina Jimmy Rafal at Eduardo Padua hinihinala nilang biktima ng sindikato ng hijacking ang mga biktima dahil sa ilang araw nang hinahanap ang mga ito matapos na umalis sa kanilang trabaho upang mag-deliver. (Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended