Amasona, 1 pa arestado sa engkuwentro
September 4, 2005 | 12:00am
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City Isang amasona at isang kasamang rebelde ang nahuli ng mga miyembro ng Philippine Army sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng mga sundalo at rebeldeng New Peoples Army (NPA) kahapon ng umaga sa Barangay Beguin, Bulan, Sorsogon.
Nakilala ang dalawang rebelde na sina Noli Gegantoca alyas Lino at Juliet Golimlim alyas Maan, isa umanong amasona.
Batay sa ulat na nakarating kay Major Gen Ricardo Nobleza, Commanding General ng 9th Infantry Division ng Phil. Army, ang engkuwentro ay naganap dakong alas-7:30 ng umaga habang ang mga miyembro ng 2nd Infantry Battalion ng PA ay nagsasagawa ng pagpapatrulya sa naturang barangay.
Nabatid na umaabot sa 10 rebelde na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril ang nakasagupa ng mga sundalo na halos umabot ng 10 minuto ang palitan ng putok ng magkabilang panig.
Dahil sa mas malakas ang puwersa ng military, napilitan na magsitakas ang mga rebelde patunggo sa direksyon ng Barangay Jamorawon.
Walang naiulat na nasugatan sa panig ng mga sundalo at narekober ng mga ito ang dalawang M-16 armalite rifle, isang backpack, dalawang grenade rifle, isang hand grenade, mga bala at mga subersibong mga dokumento ng kilusan.
Sa kasalukuyan ang dalawang rebelde na nahuli ay sumasailalim sa masusing pagsisiyasat upang makakalap ng mga mahahalagang impormasyon ang mga militar sa mga aktibidad ng mga rebelde sa naturang lugar.
Patuloy ang isinasagawang manhunt operation ng pinagsanib na puwersa ng Phil. Army at PPMG (Police Provincial Mobile Group) upang tugisin ang mga nagsitakas na rebelde. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest