Ayon sa ulat ni Vince Blancad, hepe ng Naguillan police station kay P/Sr. Supt. Percival Barba, police provincial director ng Isabela, ang mga biktima ay nakilalang sina Roger Adalem, 46, residente ng Makati City; Excel Causapin, 35, Quezon City at Arnold Castillo na residente naman ng nasabing bayan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na ang tatlong biktima ay namatay habang nasa loob ng 12-meter deep hole kung saan naghuhukay umano ang mga ito para sa isang deep-well project.
May teorya ang pulisya na malamang ay kinapos ng hininga ang mga biktima sa lalim ng butas na kanilang hinukay na naging sanhi ng kanilang kamatayan.
Lumalabas din sa pagsisiyasat ni Blancad na nabarahan ng tubig ang tubo na kanilang ipinasok sa loob ng hukay kung kayat minabuti nilang pasukin ang kalaliman ng hukay subalit kinapos ang mga ito ng hininga dahil na rin sa usok ng generator na kanilang ginamit.
Pinag-aaralan din ng pulisya ang iba pang anggulo sa pagkasawi ng mga biktima.