^

Probinsiya

20 Novo Ecijanos pararangalan ni PGMA

-
PALAYAN CITY, Nueva Ecija – Pangungunahan ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo ang selebrasyon ng ika-109 na anibersaryo ng "Unang Sigaw ng Nueva Ecija", na gaganapin ngayong Biyernes, Setyembre 2 sa Nueva Ecija Convention Center sa lungsod na ito.

Si Pangulong Arroyo, ang mamamahagi ng "Tanging Alay sa Tanging Anak ng Nueva Ecija Awards" (TATANG Awards), isang pagbibigay-parangal at pagkilala sa mga Novo Ecijano na may nagawang katangi-tangi sa kanilang larangan o trabaho hindi lang dito sa lalawigan at buong bansa kundi maging sa ibayong dagat.

Kabilang sa mga tatanggap ng pagkilala ay sina Fernando Gabuyo Jr., sa larangan ng Agriculture; Cabiao Mayor Gloria Congco, (Public Service); Felomino Manuad Jr. (Science); Dr. Pedro San Vicente (Education); Maria Bagasao (Social Service); Sergio Ortiz-Luis Jr. (Trade and Industry); Sofia S. Linsangan (Culture and Arts); P/C Supt. Servando Hizon (Police Service); Dr. Felipe Estrella Jr. (Medicine); Ramon R. Valmonte (Journalism/Media) at si Oscar Briones (Sports). Bukod sa plake, ay tatanggap din ng P50,000 ang mga awardee.

Ang Setyembre 2, ay pulang araw sa kalendaryo ng lalawigan ng Nueva Ecija dahil ipinagdiriwang dito ang kabayanihan ng mga Novo Ecijano nang kanilang kalabanin ang mga mapaniil na Kastila. Pinamunuan nina Mariano Llanera at Pantaleon Valmonte ang kudeta‚ sa mga sundalong Kastila sa bayan ng San Isidro. (Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

ANG SETYEMBRE

C SUPT

CABIAO MAYOR GLORIA CONGCO

CHRISTIAN RYAN STA

CULTURE AND ARTS

DR. FELIPE ESTRELLA JR.

DR. PEDRO SAN VICENTE

FELOMINO MANUAD JR.

NOVO ECIJANO

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with