Trader itinumba sa palengke
September 1, 2005 | 12:00am
CAVITE Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 28-anyos na negosyante sa harap ng kanyang misis ng hindi kilalang lalaki sa loob ng tindahang pag-aari ng biktima sa pamilihang bayan ng Bulihan sa bayan ng Silang, Cavite, kamakalawa. Tatlong bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Randy Carandang ng Phase 4, Bulihan Public Market sa nabanggit na lugar. Palakad naman lumayo ang nag-iisang killer habang nagkakagulo sa pinangyarihan ng krimen. Ayon kay PO2 Eric Ambojia, bandang alas-5:30 ng umaga nang magbukas ng tindahan ang biktima na kasama ang misis nito. Hindi nagtagal ay lumapit ang isang hindi kilalang lalaki sa harap ng tindahan at pinuntiryang pagbabarilin ang biktima hanggang sa duguang bumulagta. (Cristina Timbang at Lolit Yamsuan)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest