Naipit sa ilalim ang dyip na bumaligtad ang mga biktimang sina Laurente Pepito, 16 at Julian Almanzor, 13, kapwa estudyante at residente ng Barangay Villahermosa ng naturang bayan.
Samantala, ginagamot sa Cawayan District Hospital ang sugatang mga biktimang sina Sherlita Arriesgado, Dina Godienes, Marilyn Godienes, Carmelo Cuyes, Joelito Suan, Meriam Bonacao, Pablo Camana, Enecito Ygot, Rizza Jumaoas, Jesus Ornopia, Rene Arresgado, at Jennifer Domoran na pawang residente ng naturang bayan.
Base sa ulat, bandang alas-6 ng umaga nang malubak sa kalsada ang dyip (EVG-526) na minamaneho ni Melvin Ylanan habang lulan ang mga biktima na naging sanhi para matanggal ang unahang gulong nito. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay bumaligtad ng may ilang ulit ang dyip na sinasakyan ng mga biktima na ikisanawi ng dalawang estudyante at ikinasugat naman ng labindalawang iba pa. (Ed Casulla)