^

Probinsiya

Mekaniko, ginulpi ng konsehal

-
SAN MATEO, Rizal – Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang isang konsehal at tatlo pang iba matapos nitong pagtulungang gulpihin at paluin ng baril ang isang mekaniko sa Barangay Balanti ng bayang ito.

Sinampahan ng kasong frustrated homicide sa San Mateo Municipal and Order Committee chairman ng nasabing bayan.

Sa reklamo ng biktimang si Moises Amansec, 19, dakong alas-12:30 ng madaling-araw noong Agosto 17, habang papalabas siya ng Eastern Bull Karaoke Bar sa Barangay Balanti kasama ang dalawa pang kaibigan nang bigla umano siyang hinarang ng apat na kalalakihan kasama ang nasabing konsehal at dalawa dito ang may hawak ng baril.

Dahil sa nakaamoy ng panganib ay nagkanya-kanyang takbuhan ang kasama ng biktima, subalit naabutan si Amansec ng mga suspek.

Pinagtulungang gulpuhin at hindi pa nakuntento ay pinagpapalo pa ito ng baril ng konsehal bago tuluyang umalis ng nasabing lugar.

Agad namang naisugod sa Amang Rodriguez Medical Center sa Marikina ang biktima dahil sa tinamo nitong pinsala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

AGOSTO

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

AMANSEC

BARANGAY BALANTI

DAHIL

EASTERN BULL KARAOKE BAR

EDWIN BALASA

MOISES AMANSEC

NAHAHARAP

SAN MATEO MUNICIPAL AND ORDER COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with