^

Probinsiya

1 patay, 6 grabe sa banggaan

-
Balanga City, Bataan – Isang 31 anyos na driver ang namatay habang anim pa ang malubhang nasugatan kabilang ang apat na elementary pupil matapos na aksidenteng magbanggaan ang isang school bus at kasalubong nitong pampasaherong jeepney sa superhighway ng Orion sa lalawigang ito, ayon sa ulat.

Ayon kay Supt. Arnold Gunnacao, Deputy Provincial Director for Operation ng Bataan Police, dead-on-the-spot si Joel Ranan, driver ng pampasaherong jeepney na may plakang DFY- 245.

Kinilala naman ang mga nasugatan na sina Jellie Victoria, Alma Erica Domingo, Michael Angelo Baylon at Agnes Ariel Alcantara; pawang estudyante ng Bataan Montessori School gayundin ang dalawa pa sa mga biktima na ngayon ay nilalapatan na ng lunas sa Bataan General Hospital.

Sa imbestigasyon, nabatid na ang mga estudyante ay lulan ng Korean Pregio van na may plakang WSY - 936 na minamaneho ni James de Dios, 45 at pauwi na para ihatid ang mga bata ng aksidenteng mabangga ng pampasaherong jeepney noong Biyernes ng hapon sa kahabaan ng Roman Superhighway, Brgy. General Lim sa bayan ng Orion ng lalawigang ito. (Jonie Capalaran)

vuukle comment

AGNES ARIEL ALCANTARA

ALMA ERICA DOMINGO

ARNOLD GUNNACAO

BALANGA CITY

BATAAN GENERAL HOSPITAL

BATAAN MONTESSORI SCHOOL

BATAAN POLICE

DEPUTY PROVINCIAL DIRECTOR

GENERAL LIM

JELLIE VICTORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with