Lider ng robbery gang, binaril
August 28, 2005 | 12:00am
LEGAZPI CITY Isang hinihinalang utak ng serye ng robbery hold-up ang nasa kritikal na kondisyon matapos na pagbabarilin ng dalawang di-kilalang suspek habang naglalakad sa panulukan ng Alternate at Tahao Road ng lungsod na ito kahapon ng umaga.
Nakilala ang biktima na agad na isinugod sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital na si Noli Marquez, 28, binata, at residente ng Manito, Albay.
Ayon sa ulat ni Supt. Narciso Guarin, hepe ng Legaspi PNP, bandang alas-7:15 ng umaga habang naglalakad ang biktima nang bigla na lamang paulanan ng bala ng dalawang lalaki na armado ng 45 kalibreng pistola.
Si Marquez ay itinuturong may pakana ng pagnanakaw sa bahay ni Provincial Budget Officer ng lalawigan ng Albay na si Elena Azupardo at sa kapatid nito sa Brgy. Buyuan nitong nakaraang mga araw.
Dahil sa pangyayari, nasakote ng pulisya sa kanilang ginawang follow-up operation ang tatlo sa pitong kasamahan ni Marquez sa loob ng Legazpi Pension House na sina Ariel Dayap, Christian Lastrella at Rex Pahimula na pawang umamin sa panloloob. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended