^

Probinsiya

Computer shop nilooban

-
IBA, Zambales Tinatayang umaabot sa kalahating milyong piso ng mahahalagang kagamitan ang tinangay ng mga hinihinalang "Akyat Bahay" gang makaraang pasukin ng mga ito ang isang computer shop sa Brgy. VI, ng bayang ito kamakalawa.

Ayon sa pulisya, bukod sa 14 piraso ng central processing units (CPU), natangay din ang isang uninterrupted power supply (UPS) at ibang mahahalagang kasangkapan sa Cyber Bits Computer Shop na pag-aari ng mag-asawang sina Valentino Jorge Fabros at Jocelyn Fabros.

Sinabi ni Sr. Insp. Remegio Magno, hepe ng Iba Police Office na nakapasok ang mga suspek sa computer shop sa pamamagitan ng pagsira ng pitong kandado nito gamit ang bolt cutter. (Fred Lovino)

vuukle comment

AKYAT BAHAY

AYON

BRGY

CYBER BITS COMPUTER SHOP

FRED LOVINO

IBA POLICE OFFICE

JOCELYN FABROS

REMEGIO MAGNO

SINABI

SR. INSP

VALENTINO JORGE FABROS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with