Opisina ng obispo pinasok ng demonyo
August 28, 2005 | 12:00am
DAET, Camarines Norte Sa ikalawang pagkakataon muling pinasok ang bakuran ng Cathedral na matatagpuan sa Brgy. Gahonon ng hindi nakikilalang mga kalalakihan at maging ang opisina ng Obispo ay pinagnakawan ng malaking halaga kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Bishop Benjamin Almoneda sa kanyang pananalita sa idinaos na 23rd Annual General Membership Assembly ng Camarines Norte Electric Cooperative (CANORECO) kahapon sa Daet Agro Sports Center, ang isa sa dahilan ng paglipana ng mga masasamang tao sa gabi ay ang kawalan ng daloy ng kuryente sa mga street lights sa bayan ng Daet.
"Sobrang dilim ng Daet kaya pati ako ay pinasok ng mga magnanakaw," ani Bishop Almoneda.
Sa panayam ng PSN kay Boy Salgado, driver ng Obispo, nabatid na umakyat sa likurang bahagi ng bakod ang mga suspek at matapos na sirain ang alambre ay agad na tumuloy papasok sa loob ng parish house at dumiretso sa opisina ng Obispo. Matapos na wasakin ang pintuan, tinangay ang umaabot sa mahigit P50,000 na nakatago sa isang drawer. Malaki ang hinala na posibleng madalas sa loob ng Cathedral ang mga suspek sa kadahilanang ang bantay na aso sa likod ng parish house ay hindi tumahol nang gabing nilooban ito.
Napag-alaman na bago ninakawan ang Obispo, inihatid muna sa Naga Airport si Most. Rev. Antonio Franco, DD, Papal Nuncio to the Philippines nang ito ay dumalaw sa lalawigan ng Camarines Norte kamakalawa.
Ayon kay Salgado, ito ang pangalawang beses na pinasok ng magnanakaw ang opisina ng Obispo na tinangay rin ang hindi mabatid na pera at mamahaling cellphone nito. (Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended