Drayber todas sa ambush
August 27, 2005 | 12:00am
CAVITE Posibleng may matinding atraso ang isang 45-anyos na mister makaraang barilin at mapatay ng dalawang lalaking sakay ng scooter sa naganap na karahasan sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Anabu 1-F sa bayan ng Imus, Cavite, kahapon ng umaga. Ang biktimang sakay ng owner-type jeep (DTP 102) na inupakan ay nakilalang si Carlos Tobis ng Barangay Anabu 2-D. Ayon kay PO1 Randy Dela Rea, dakong alas-siyete ng umaga nang dikitan ng mga killer ang minamanehong dyip ng biktima bago pinuntirya sa katawan na ikinasawi nito. (Ulat ni Cristina Timbang)
BULACAN Aabot sa P.1-milyon ang nasikwat sa isang 75-anyos na negosyanteng lola matapos na pasukin ang bahay ng biktima ng pitong kalalakihan na nagpanggap na tauhan ng Meralco sa naganap na nakawan sa Barangay Tabang, bayan ng Guiguinto, Bulacan, kamakalawa. Si Milagros Recto na nasikwatan ng malaking halaga at ibat ibang uri ng alahas ay kasalukuyang nasa ospital dahil sa matinding tensyon. Kabilang sa kasama ng biktima sa bahay nang pumasok ang mga kawatan ay sina Carmencita Recto, 42; Analisa Etang, 18 at Fortunato Enriquez, 42, security guard ni Milagros. Matapos ang insidente ay agad na tumakas ng mga suspek sakay ng jeep na may plakang CPH-584. (Ulat ni Efren Alcantara)
CAVITE Isa na namang bangkay ng hindi kilalang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuan sa liblib na bahagi ng Barangay Paradahan 1 sa bayan ng Tanza, Cavite kamakalawa. Ang biktimang walang anumang palatandaan sa katawan ay may edad na 35 hanggang 45-anyos, may taas na 56 at naka-asul na underwear lamang ang suot. Ayon kay SPO1 Celino Javier, ang biktima ay binigti ng nylon cord, may gapos sa magkabilang kamay at paa habang sinakloban ang ulo ng plastic bag. May posibilidad na pinatay sa saksak ang biktima mula sa ibang bayan bago itinapon sa nabanggit na barangay. (Ulat ni Lolit Yamsuan)
OLONGAPO CITY Isang 30-anyos na lalaki na pinaniniwalaang kasapi ng grupong Rebolusyunaryong Hukbo ng Bayan (RHB) ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya matapos na maaktuhang nangongotong sa mga residente ng Sitio Masinit sa Barangay San Isidro, Subic, Zambales, kahapon. Isinailalim na sa tactical interrogation ang suspek na si Philip "Dexter" Flores ng Barangay Bian sa bayan ng Mariveles, Bataan. Sa ulat ni P/Senior Supt. Ted Quianio, ang pagkakadakip sa suspek ay bunsod ng impormasyong ibinigay ng mga residente sa pamunuan ng Precinct 6. Dahil sa mga reklamo ay agad na pinostehan ang nabanggit na barangay at naaktuhan naman ang suspek na nangangalap ng revolutionary tax. (Ulat ni Jeff Tombado)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended