^

Probinsiya

1 pang police chief sibak sa jueteng!

-
Isa pang hepe ng pulisya ang sinibak kahapon ni PNP Chief Director General Arturo Lomibao matapos na mahagip sa mahigpit na pagpapatupad ng "One Strike Policy" laban sa jueteng.

Kinilala ni PNP spokesman Chief Supt. Leopoldo Bataoil ang sinibak na si Supt. Dionisio de Guzman, hepe ng Bayombong Municipal Police Station (MPS) sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Ayon kay Bataoil, si de Guzman ay sinibak ni Lomibao matapos mabatid na patuloy pa rin ang ‘guerilla type operation’ ng jueteng sa lugar na kanyang nasasakupan.

Binigyang-diin ni Bataoil na determinado ang PNP na matugunan ang palugit na hanggang Setyembre 15 ni Pangulong Arroyo para masugpo ang pamamayagpag ng jueteng sa ilang bahagi ng bansa.

Sinabi pa ni Bataoil na patuloy ang pagmomonitor ni PNP-Task Force Anti-Illegal Gambling na pinamumunuan ni Chief Supt. Florante Baguio sa mga lugar na napapaulat na may operasyon pa ng jueteng.

Wala anyang sasantuhin ang kanilang kampanya laban sa lahat ng uri ng bawal na sugal partikular na ang jueteng na kumikita ng limpak-limpak na salapi sa illegal nitong operasyon.

Magugunita na simula ng ilunsad ng PNP ang pinalakas na kampanya kontra jueteng nitong Hulyo ay umaabot na sa 13 hepe ng pulisya at dalawang Provincial Director ang nasibak matapos na mahagip sa one-strike policy laban sa illegal gambling.

Kabilang sa mga nasibak ang mga hepe ng pulisya sa Tiwi, Albay; Tinambac at Bato, Camarines Sur; Sorsogon City; Meycauayan, Bulacan; Mabalacat, Pampanga; Placer at Cataingan, Masbate; Talavera, Nueva Ecija at Pagbilao, Quezon. (Ulat ni Joy Cantos)

BATAOIL

BAYOMBONG MUNICIPAL POLICE STATION

CAMARINES SUR

CHIEF DIRECTOR GENERAL ARTURO LOMIBAO

CHIEF SUPT

FLORANTE BAGUIO

GUZMAN

JOY CANTOS

LEOPOLDO BATAOIL

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with