^

Probinsiya

Tinedyer todas sa scooter

-
CAMARINES NORTE – Maagang kinalawit ni kamatayan ang isang 17-anyos na kandidata ng Ms. Bicolandia 2005 makaraang mahulog sa sinasakyang scooter na umiwas sa tumatawid na askal sa daang sakop ng Barangay Pacol sa Naga City, kahapon ng madaling-araw. Hindi na naisugod sa ospital ang biktimang si Moira Yar ng San Francico Village ng nabanggit na barangay, habang sugatan naman ang drayber na si Reynan Fernan Gutierrez. Sa imbestigasyon, lumitaw na tinatahak ng mga biktima ang kahabaan ng lansangan nang biglang tumawid ang isang aso na naging sanhi para magpagewang-gewang ang scooter hanggang sa sumalpok ito sa punongkahoy. Lumagapak sa semento ang ulo ni Yar, habang ang drayber ng scooter ay tumilapon ng may ilang metro. (Ulat ni Francis Elevado)
Holdaper ng biyanan timbog
BATAAN — Dinakip kahapon ng mga operatiba ng pulisya ang isang 24-anyos na mister na pinaniniwalaang utak sa panghoholdap noong Agosto 18 sa sariling biyanan matapos na magsagawa ng follow-up operation sa Barangay San Juan, Samal, Bataan kahapon. Sinampahan na ng kaukulang kaso ang suspek na si Michael Moreno ng Barangay Tuyo sa bayan ng Balanga. Sa rekord ng pulisya, natangayan ng P.2 milyong ang biktimang si Eleanor Gimena matapos na tutukan ng dalawang kasapakat ni Moreno matapos na mag-withdraw sa banko. Narekober ng pulisya ang ilang mahahalagang papeles at halagang P141,000 sa likurang bahagi ng traysikel na sinakyan ng biktima na pag-aari naman ng suspek. (Ulat ni Jonie Capalaran)

vuukle comment

BARANGAY PACOL

BARANGAY SAN JUAN

BARANGAY TUYO

ELEANOR GIMENA

FRANCIS ELEVADO

JONIE CAPALARAN

MICHAEL MORENO

MOIRA YAR

MS. BICOLANDIA

NAGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with