^

Probinsiya

Security agency pinasabog

-
Camp Crame Niyanig ng malakas na pagsabog ang isang security agency makaraang hagisan ng granada ng hindi pa nakikilalang mga armadong lalaki sa Purok 2, Brgy. Sampao, Davao del Norte, ayon sa ulat kahapon.

Sa report, dakong alas - 3 ng madaling-araw nang bigla na lamang hagisan ng granada ang Black Arrow Security Agency sa nasabing lugar.

Ang granada ay tumama sa security outpost ng naturang security agency at lumikha ng malakas na pagsabog dito habang mabilis namang nagsitakas ang mga suspek.

Wala namang naitalang nasugatan at nasawi sa insidenteng ito subali’t lumikha ito ng malaking pinsala sa nasabing security outpost.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang mga sharpnel ng sumabog na granada at ang kasong ito ay sumasailalim pa sa pagsisiyasat. (Joy Cantos)

BLACK ARROW SECURITY AGENCY

BRGY

CAMP CRAME

DAVAO

JOY CANTOS

NAREKOBER

NIYANIG

NORTE

PUROK

SAMPAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with