Nadiskubre lamang ng kanyang kapamilya ang pagkasawi ng biktima na nakilalang si Gloria Librando, ng Catmon St., ng nasabing barangay nang umalingasaw ang isang masangsang na amoy ng naaagnas na katawan nito sa loob din ng kanilang bakuran.
Ayon sa pulisya, batay sa naging pahayag ng asawa ng biktima na si Mang Alfredo, isang kakaibang amoy ang nalanghap ng kanyang panganay na anak at agad na hinanap ito sa loob ng kanilang bakuran.
Laking gulat ng pamilya Librando nang makita na isa nang naaagnas na bangkay ang biktima na isinilid sa isang drum.
Base sa pagsisiyasat, walang nakita ang awtoridad na tubig sa loob ng drum at hinihinalang sadyang inilagay ang bangkay ng lola upang itago ang isang karumal-dumal na krimen.
Ayon kay Mang Alfredo, tatlong araw na nang huling makita ang kanyang asawa sa pag-aakala na nagtungo lamang sa kanyang kamag-anak na kanya rin umanong nakaugalian sa tuwing ito ay may problema. Isa sa sinasabing suliranin ng matanda ay kung paano makakahanap ng pan-tuition fee ng kanyang bunsong anak na graduating sa Ateneo de Naga University.
Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang nasabing pagpatay at kung sino ang posibleng gumawa nito.
Isinasailalim na sa awtopsiya ang bangkay ng lola upang mabatid kung may naganap na foul play sa insidente. (Francis Elevado)