Sa 23-pahinang desisyon, sinabi ni Associate Justice Diosdado M. Peralta, na nagkasala si ex mayor Paulino Ong nang pagsisinungaling, kaugnay sa tunay na relasyon niya sa kapwa akusadong sina Rosalio S. Galeos at Federico Rivera na kapwa binigyan ng permanent na puwesto sa munisipyo.
Si Galeos ay hinatulan ng 32-taong pagkabilanggo samantalang si Rivera ay namatay noong 2003.
Pinatunayan ng mga testigo ng prosecutors na magkapatid ang mga ina nina Ong at Galeos at hindi idineklara na sina Galeos at Rivera ay mga kamag-anak na nasa gobyerno.
Kapatid din ng nanay ni Ong ang biyenan naman ni Rivera na itinalaga ng unang Plumber I sa tanggapan ng municipal engineer.
Nakasaad sa RA 7160 o Local Government Code na dapat ideklara ng mga opisyal ng gobyerno kung sinu-sino ang kanilang mga kamag-anak na nagseserbisyo rin sa pamahalaan upang maiwasan ang nepotismo. (Malou Rongalerios)