^

Probinsiya

Kasapi ng ‘Bantay-bayan’ itinumba

-
CAVITE – Binaril at napatay ang isang 52-anyos na kasapi ng Bantay-bayan ng isang nakaalitang ka-barangay ng biktima sa bisinidad ng Barangay Aguado sa Trece Martirez City, Cavite kamakalawa ng gabi. Naglalakad sa nabanggit na barangay mula sa Sitio Pag-asa 2 ang biktimang si Mariano Baltazar nang harangin at paputukan ng baril ng suspek na si Randy "Pipoy" Nueva, ayon sa ulat ni PO1 Manny Candare. Posibleng may matinding galit ang suspek sa biktima kaya isinagawa ang pamamaslang. (Ulat ni Cristina Timbang)
Mag-ama sinalpok ng trak
LEGAZPI CITY – Isang 43-anyos na mister ang nasawi na ikinasugat ng malubha ng anak nito makaraang masalpok ng trak ang sinasakyang motorsiklo ng mag-ama sa kahabaang bahagi ng Barangay Tuburan, Ligao City kahapon ng umaga. Ang biktimang si Benito Marbella ay halos mayupi ang katawan, samantalang ginagamot naman sa Josefina Belmonte Duran District Hospital ang anak na si Methosela Marbella, 20, na kapwa residente ng Barangay Cullat sa bayan ng Daraga, Albay. Naka-impound sa himpilan ng pulisya ang trak (XEK-549) na minamaneho ni Salvador Atagante ng Barangay Batang Ligao City, samantalang wasak ang motosiklong Honda XRM na may plakang EK-9588. Napag-alamang nag-ovetake ang trak sa naunang sasakyan, subalit hindi nito napuna na kasalubong ang motorsiklo ng mag-ama kaya naganap ang sakuna. (Ulat ni Ed Casulla)
Sekyu sa minahan tinodas, 3 pa grabe
CAMARINES NORTE – Isang security guard sa minahan ng ginto ang iniulat na nasawi, habang tatlong minero ang malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin ng mga maskaradong kalalakihan sa Barangay Malaguit, Paracale, Camarines Norte, kamakalawa ng gabi. Hindi na naisugod pa sa ospital ang biktimang si Elmer Magana, samantalang ginagamot naman sa Camarines Provincial Hospital sina Raymundo Dedia, 34; Renato Antintar, 52; at Manuel Porcincula, 54 na pawang naninirahan sa nabanggit na barangay. Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya, pinasok ng mga armadong kalalakihan ang bakuran na pag-aari ni Felix Ratilla kung saan nagmimina ng ginto ang mga biktima. Hindi na nakaporma ang guwardiyang si Magana dahil naunahan itong paputukan at maging ang tatlong minero ay idinamay, subalit hindi napuruhan. Napag-alamang bago tumakas ang mga armadong kalalakihan ay tinangay pa ang tatlong kilong ginto na pag-aari ni Ratilla. (Ulat ni Francis Elevado)

BARANGAY

BARANGAY AGUADO

BARANGAY BATANG LIGAO CITY

BARANGAY CULLAT

BARANGAY MALAGUIT

BARANGAY TUBURAN

BENITO MARBELLA

CAMARINES NORTE

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with