Ang biyudong 39-anyos na si Elpidio Zizata ay napuruhan sa ibat ibang bahagi ng katawan at agad na namatay, habang ang anak na 7-taong gulang na si Edelnilla ay binawian ng buhay sa Balibago Polyclinic Hospital.
Tugis naman ng mga tauhan ni P/Supt. Pastor de Guzman, ang suspek na si Aries Zayco na tumakas matapos paslangin ang mag-ama dakong alas-6:30 ng gabi.
Napag-alamang naghahapunan na ang mag-ama sa sariling bahay nang biglang pumasok ang suspek at agad na pinaputukan ng malapitan ang mga biktima.
Sinisilip ang anggulong matinding selos ang umiral sa suspek laban sa mag-ama kaya naganap ang brutal na krimen. (Ulat nina Rene Alviar at Ed Amoroso)