Kinilala ni Supt. Gilbert Cruz, hepe ng Cainta Police Station ang biktima na si Remedios Zian na nagtamo ng isang tama ng bala mula sa cal. 38 revolver sa ibabang bahagi ng kaniyang teynga.
Base sa imbestigasyon, dakong alas-7:30 ng gabi nang madiskubre ang wala ng buhay na biktima sa loob ng kaniyang nirerentahang kuwarto sa Pearl Apartelle na matatagpuan sa Signal Core Avenue, Brgy. San Isidro ng bayang nabanggit.
Dinala na ang bangkay ng biktima sa PNP Crime Laboratory upang isailalim sa awtopsya habang patuloy ang imbestigasyon sa kasong ito. (Edwin Balasa)