Tsinay nag-suicide
August 15, 2005 | 12:00am
Cainta, Rizal Dahilan sa sobrang depresyon sa buhay, nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili ang isang 29-anyos na Filipina-Chinese na natagpuang patay na sa loob ng inuupahan niyang kuwarto kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Isidro ng bayang ito.
Kinilala ni Supt. Gilbert Cruz, hepe ng Cainta Police Station ang biktima na si Remedios Zian na nagtamo ng isang tama ng bala mula sa cal. 38 revolver sa ibabang bahagi ng kaniyang teynga.
Base sa imbestigasyon, dakong alas-7:30 ng gabi nang madiskubre ang wala ng buhay na biktima sa loob ng kaniyang nirerentahang kuwarto sa Pearl Apartelle na matatagpuan sa Signal Core Avenue, Brgy. San Isidro ng bayang nabanggit.
Dinala na ang bangkay ng biktima sa PNP Crime Laboratory upang isailalim sa awtopsya habang patuloy ang imbestigasyon sa kasong ito. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest