2 high school student nalunod
August 15, 2005 | 12:00am
Camp Crame Dalawang high school student ang namatay habang apat pa ang nailigtas makaraang aksidenteng tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa Dungka-an Creek, Brgy. Tuguis, Hinigaran, Negros Occidental kamakalawa ng hapon.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Mary Grace Salaghan, 15-anyos at Mark Melendrez, 18, pawang ng Brgy. Malvar, Pontevedra ng nabanggit na lalawigan at mga estudyante ng San Isidro National High School sa nabanggit na bayan.
Kinilala ang isa sa apat na nailigtas na sina Alfredo Agodo habang ang tatlong iba pa na kinabibilangan ng dalawang estudyanteng lalaki at isang babae na mga kamag-aral ng mga nasawi.
Base sa imbestigasyon ang nasabing mga estudyante ay nagkatuwaang mamangka sa nasabing creek dakong alas-12 ng tanghali at makalipas ang mahigit isang oras ay tumaob ang kanilang bangka.
Nailigtas ng nagrespondeng search and rescue team ang apat sa mga estudyante subalit sinawimpalad sina Salaghan at Melendrez na tuluyang nalunod sa insidente. (Joy Cantos )

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended