^

Probinsiya

Globe cell site sinunog ng NPA!

-
ANGELES CITY Tinatayang umaabot sa halagang P300,000 ng mga equipments ng Globe cellsite communication ang napinsala matapos na sunugin ng mga hinihilang rebelde ng New People’s Army (NPA) sa Santol St., Brgy. Tabun, ng nasabing lungsod.

Batay sa report na nakarating ni Central Luzon Regional Police Office Director, Chief Supt. Alejandro Lapinid, may walong armadong kalalakihan ang pumasok sa loob ng nasabing cell site at agad na sinilaban ito.

Tinangkang pigilan ng mga naka-duty na security guard ang mga suspek subalit agad siyang dinis-armahan at kinuha pa ang service firearm nito na kalibre .38 baril.

Makaraan ito ay agad na nagsitakas ang mga suspek sakay ng kanilang get-away vehicle na kulay gray van na walang plaka patungo sa di-malamang direksyon.

Mabilis namang nagresponde ang mga tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team at Intelligence ng City Mobile Group subalit hindi na naabutan pa ang mga hinihinalang rebelde.

Nabatid na ilan lamang sa mga equipment ng Globe ang natupok dahil hindi na inabot pa ng apoy ang loob ng radio room nito.

Ilan sa mga tinitingnan ng awtoridad na motibo ng panununog ay nang hindi paunlakan ng management ng Globe ang pangingikil ng NPA sa pamamagitan ng hinihinging revolutionary tax. (Resty Salvador)

vuukle comment

ALEJANDRO LAPINID

BATAY

CENTRAL LUZON REGIONAL POLICE OFFICE DIRECTOR

CHIEF SUPT

CITY MOBILE GROUP

NEW PEOPLE

RESTY SALVADOR

SANTOL ST.

SPECIAL WEAPONS AND TACTICS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with