Scout Ranger detachment nilusob
August 14, 2005 | 12:00am
Kampo Simeon Ola, Legaspi City Nagkaroon ng matinding bakbakan sa hanay ng militar at hinihinalang kasapi ng New Peoples Army (NPA) matapos na salakayin ng nasabing rebeldeng grupo ang detachment ng 7th Scout Ranger Company sanhi ng pagkakasugat ng dalawang sundalo kamakalawa ng gabi sa Brgy. Anislag, Daraga, Albay.
Agad na isinugod sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) ang dalawang sundalo na nakilalang sina Sgt. Rene Spanola at Cpl. Allan Rivera, pawang nakatalaga sa nasabing detachment.
Sa ulat ni Col. Arsenio Arugay, commander ng 901st Infantry Brigade, naganap ang insidente dakong alas-8:45 ng gabi.
Habang nasa loob ng detachment ang mga sundalo ay bigla na lamang sinorpresa ng sunud-sunod na putok mula sa labas.
Mabilis namang pumosisyon ang mga sundalo at nakipagbarilan sa tinatayang 20 rebelde na umabot sa 10 minutong bakbakan.
Matapos ang pananalakay ng mga rebelde, agad silang nagpulasan patungo sa direksyon ng Brgy. Maopi at Brgy. San Vicente ng nasabing bayan.
Patuloy ang isinasagawang hot pursuit operations ng mga miyembro ng Scout Ranger upang tugisin ang mga rebelde.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended