Suspek sa murder tumba sa pulis

Isang 36-anyos na lalaki na pinaniniwalaang may nakabinbing kaso sa korte ang kumpirmadong nasawi makaraang makipagbarilan sa dalawang tauhan ng pulisya habang isinisilbi ang warrant of arrest sa bahagi ng Barangay Taysan, Batangas City kamakalawa ng umaga. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Dionisio Bagon ng Barangay Cuta, Batangas City. Ayon kay SPO3 Cesario Brucal, namamasada ng dyipni (DJP-312) si Bagon nang mamataan ng dalawang pulis. Dahil sa may warrant of arrest na inisyu ni Judge Romeo F. Barza ay tinangkang lapitan ng dalawang pulis, subalit nakipagbarilan ito hanggang sa mapatay. (Ulat ni Ed Amoroso)

Show comments