Shootout sa bilangguan:1 preso dedo, 7 pa sugatan
August 13, 2005 | 12:00am
BULACAN Natodas ang isang preso, habang pito pa ang nasugatan makaraang sumiklab ang madugong riot na nauwi sa pamamaril ng mga jailguard sa naganap na kaguluhan sa loob ng Bulacan Provincial Jail kamakalawa ng gabi.
Binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital ang biktimang si Jessinel Macawili, samantalang sugatan naman ang mga presong sina Rolando Ramos; Alain Janer; Cyrus Vidal; Jessie Malate; Dennis Garcia; Dante Fuentes at Reynaldo Bonacruz na pawang may mabibigat na kasong kriminal.
Batay sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi habang ang isang grupo ng mga preso sa nasabing piitan ay nag-iinuman ng alak nang atakehin ng mga ito ang jailguard na si Joselito Cayetano at inumpisahan ang riot.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pinaputukan ng mga nagrespondeng jailguards ang nag-riot na grupo ni Macawili.
Nabatid na ang nasabing inuman ay bilang pakikiisa sa selebrasyon ng kaarawan ng warden na si Ariel Santiago.
Ikinatuwiran naman ng mga inmates na tinatarget umano ng mga jailguards ang kasamahan nilang bilanggo na isang alyas "Boy Stick" na pinag-iinitan dito dahil sa pagsuway sa kanilang utos.
Kaugnay nito, binuo ng PNP ang investigating team upang imbestigahan ang naturang shootout sa pamumuno ni Supt. Jesus Gatchalian, Deputy Provincial Police Chief for Operations sa lalawigan. (Ulat nina Efren Alcantara at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest