Personal na pinangunahan nina Vice Mayor Paulino at Councilor Atty. Noel Atienza, ang nabanggit na programa sa mga kabataang na layuning makatulong sa mga maralitang pamilya sa naturang lugar.
Napag-alaman pa sa naturang bise alkalde na ilan sa mga magulang nila ay namumulot lamang ng basura at ang ilan naman ay taga-kolekta ng basura ng Environment Sanitary Management Office (ESMO).
Kabilang sa mga pagkain na kanilang isinusuplay sa mga kabataan ay nilutong arozcaldo, champorado, goto at tinapay na sapat para sa kalahating-araw na pagkain sa may 200 kabataan na pumipila.
Inamin ni Vice Mayor Paulino na minsan ay nahihirapan silang suplayan ang pagpapakain sa mga kabataan dahil wala anyang sapat na pondo at iginiit na kulang sa suporta mula sa lokal na pamahalaang lungsod ang nasabing programa, kung kayat sa sarili nilang bulsa nanggagaling ang panggastos sa nasabing programa. (Ulat ni Jeff Tombado)