^

Probinsiya

Kawani ng gobyerno itinumba

-
URDANETA CITY – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 31-anyos na kawani ng gobyerno ng hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay papauwi na sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay San Vicente sa nabanggit na lungsod noong Lunes ng hapon.

Apat na tama ng bala ng baril sa likurang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ni Randy Abdon ng Barangay Camantiles at kawani ng lokal na pamahalaan na nakatalaga sa City Engineer’s Office sa Urdaneta City.

Ayon kay P/Supt. Johnny Bacbac, hepe ng pulisya sa Urdaneta City, sakay ng motorsiklo si Abdon nang tambangan ng hindi kilalang lalaki na sakay din ng motorsiklo.

Nawalan ng kontrol ang biktima habang nagmomotorsiklo kaya bumaligtad bago nahulog sa irrigation canal sa kanang bahagi ng kalsada.

Ilang magsasaka na malapit sa pinangyarihan ng krimen ang agad na rumesponde matapos na marinig ang sunud-sunod na putok ng baril.

Ayon pa sa ulat, may ilang minutong pinaghahanap ng mga magsasaka ang katawan ng biktima sa malalim na kanal bago matagpuan at isinugod sa Don Amadeo Perez Hospital, subalit idineklarang patay.

Sinisilip ng mga beteranong imbestigador ng pulisya ang anggulong paghihiganti dahil sa may nakabinbing kasong physical injuries ang biktima sa Urdaneta City Regional Trial Court noong nakalipas na taon at ang anggulong alitan sa lupa. (Ulat ni Eva Visperas)

AYON

BARANGAY CAMANTILES

BARANGAY SAN VICENTE

CITY ENGINEER

DON AMADEO PEREZ HOSPITAL

EVA VISPERAS

JOHNNY BACBAC

RANDY ABDON

URDANETA CITY

URDANETA CITY REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with