^

Probinsiya

Anak hinostage ng amain para bumalik ang asawa

-
NUEVA ECIJA – Matagumpay na nailigtas ang isang 2-taong gulang na lalaki ng mga tauhan ng pulisya sa kamay ng hostage-taker sa Barangay San Felipe, bayan ng Aliaga, Nueva Ecija, kamakalawa ng hapon.

Umabot sa isang oras ang negosasyon bago nailigtas ang biktimang si Jerome Dela Cruz ng Barangay Baluga, Talavera, Nueva Ecija, sa kamay ng suspek na si Jaime Bernardo y Mangilit, 27.

Narekober ng pulisya kay Bernardo ang isang granada na kanyang ipinapanakot na pasasabugin.

Ayon sa ulat, dakong alas-nuebe ng umaga nang sunduin ng suspek ang batang biktima sa bahay nito bago hinostage nang dumating sa bahagi ng Barangay San Felipe.

Hiniling ng suspek sa mga rumespondeng tauhan ng pulisya na iharap sa kanya si Barangay Kagawad Bonifacio Serrano ng Barangay San Felipe para magkausap.

Nang dumating si Serrano sa nabanggit na barangay ay pinakawalan ng suspek ang bata at nakipag-usap ng sarilinan hanggang sa madakip ang hostage-taker.

Hinala ng pulisya na hiniling ng suspek kay Serrano na pakiusapan ang kanyang misis na makipagbalikan na sa kanya alang-alang sa batang biktima. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

ALIAGA

AYON

BARANGAY

BARANGAY BALUGA

BARANGAY KAGAWAD BONIFACIO SERRANO

BARANGAY SAN FELIPE

CHRISTIAN RYAN STA

JAIME BERNARDO

JEROME DELA CRUZ

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with