^

Probinsiya

Driver binoga dahil sa malakas na busina

-
LUCENA CITY – Dahil lamang sa busina ay binaril hanggang sa mapatay ang isang driver ng kanyang dating amo sa Grand Central Terminal na sakop ng Barangay Ilayang Dupay sa lungsod na ito.

Idineklarang patay dakong alas-2 ng madaling-araw ang biktimang si Elmer Abarientos y Zaballero, 37, may-asawa, empleyado ng Jam Transit at residente ng Abuyon, San Narciso, Quezon.

Tinutugis na ngayon ng mga awtoridad ang suspek na si Rodel Ramirez, alyas Oding, may-ari ng Rona & Ryan bus transit at residente ng Ilayang Iyam sa lungsod na ito.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Marcelino Uy, officer-on-case, dakong alas-11:30 ng gabi kamakalawa ay minamaneho ng biktima ang Jam bus (DWW-419) patungong garahe sa Grand Central terminal.

Pagtapat ng biktima sa garahe ng suspek ay bumusina ito nang makailang ulit. Maya-maya ay sumunod ang suspek at pagbaba ng biktima sa bus ay pinagbabaril ito ng una saka tumakas sakay ng kanyang Toyota Revo na may plakang WPZ-952.

Binanggit sa ulat na dating tauhan ng suspek ang biktima sa kanyang bus company at umalis ito dahil sa hindi pagkakaunawaan. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

BARANGAY ILAYANG DUPAY

ELMER ABARIENTOS

GRAND CENTRAL

GRAND CENTRAL TERMINAL

ILAYANG IYAM

JAM TRANSIT

MARCELINO UY

RODEL RAMIREZ

SAN NARCISO

TONY SANDOVAL

TOYOTA REVO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with