Mag-asawang Tsinoy kinatay
August 7, 2005 | 12:00am
DAET, Camarines Norte Pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ang mag-asawang Tsinoy trader ng dalawa nitong guwardiya sa pag-aaring tindahan sa Barangay Tabuco, Naga City, Camarines Sur kahapon ng madaling-araw.
Animoy kinatay na alagang baboy ang katawan ng mag-asawang Alberto Tan at Uy Ching Tan na kapwa may-ari ng Tim Sy Trading at Elegant Pension House.
Kasalukuyan namang nakikipaglaban kay kamatayan sa Bicol Medical Center ang isa sa tatlong katulong na babae na si Maricel Daet matapos na magtamo ng labing-anim na saksak dahil sa nanlaban sa mga suspek sa tangkang panghahalay.
Samantala, naghihimas ng rehas na bakal at sinampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina Rodelio Arevalo Jr. at Rolly Readorez na kapwa security guard ng Equalizer Securitry Agency na nakatalaga sa Elegant Pension House na pag-aari ng mag-asawang biktima.
Batay sa imbestigasyon, unang pinaslang ang mag-asawang Tsinoy sa loob ng pag-aaring Elegant Pension House sa pagitan ng ala-una ng madaling-araw naganap. Napag-alamang isinilid ang bangkay ni Alberto sa poso negro upang itago ang krimen habang ang bangkay ng babae ay iniwan sa kuwarto at matapos na makuha ang mga susi ay pinasok naman ang katabing tindahan na kinaroroonan ng tatlong katulong na babae.
Ayon pa sa ulat, nagawang halayin ng mga suspek ang isa sa katulong, subalit nanlaban naman ang isa pa na si Maricel Daet kaya sinaksak ito hanggang sa malubhang masugatan.
Nagawa namang makatakas ng isa sa katulong na si Aireen Agsamos matapos na dumaan sa likurang bahagi ng gusali kaya naipagbigay-alam sa pulisya ang insidente. Bandang alas-singko ng umaga nang rumesponde ang mga tauhan ng pulisya sa nabanggit na lugar kaya nadakip ang suspek na si Rolly sa bubungan ng gusali habang si Arevalo naman ay nabaril sa paa matapos tangkaing tumakas habang pinoposasan. Inamin ng mga suspek na paghihiganti ang isa sa motibo dahil malimit silang pagalitan ng mag-asawa, ayon sa ulat ng pulisya. (Ulat ni Francis Elevado at Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest