^

Probinsiya

Turistang Hapones dinedo ng 'akyat-bahay'

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isang nagbabakasyong turistang Hapones ang iniulat na napatay makaraang mabaril ng isa sa tatlong kasapi ng Akyat-Bahay Gang na pumasok sa tinutuluyang bahay ng biktima sa Barangay Planza sa bayan ng San Fernando, Camarines Sur, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Tomoyoki Nishikawa, habang kritikal naman ang biyanan ni Tomoyoki na si Constancio Guevarra, 63 na ginagamot ngayon sa Mother Seton Hospital sa Naga City.

Napag-alamang nagbakasyon lamang ang biktima sa bahay ng kanyang asawang Pinay sa nabanggit na barangay at habang nanonood ng telebisyon na kasama ang biyanan ay biglang pumasok ang tatlong hindi kilalang kalalakihang armado ng baril.

Ayon pa sa ulat, nagdeklara ng holdap ang tatlong armadong lalaki, subalit nanlaban ang biktimang hapones at maging ang kanyang biyanan kaya napilitang pagbabarilin ang dalawa.

Hindi na nagawang pagnakawan pa ng mga suspek ang bahay ng mga biktima at tuluyang tumakas.

May teorya ang pulisya na pawang mga bagitong maninikwat ang tatlong kalalakihang nanloob sa bahay ng mga biktima. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

BARANGAY PLANZA

CAMARINES SUR

CONSTANCIO GUEVARRA

ED CASULLA

LEGAZPI CITY

MOTHER SETON HOSPITAL

NAGA CITY

SAN FERNANDO

TOMOYOKI NISHIKAWA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with