Pormal namang kinasuhan ang mga suspek na sina George Caguiat, 40; Rolan Clamonte, 40; Rogelio Tumangan, 43; Bernie Atanacio, 18; Marvin Rosario; at Jhun Buen, 26, na pawang naninirahan sa Barangay Aduas Norte, Cabanatuan City.
Base sa ulat na nakarating kay P/Senior Inspector Ernesto Delos Santos, hepe ng pulisya sa bayang nabanggit, bandang alas-sais y medya ng gabi nang mapadaan sa gilid ng irigasyon sina Barangay Kagawad Juanito Francisco at Engracio dela Cruz, kasama ang dalawang barangay tanod.
Dito nila namataan ang mga suspek na hinihila ang kalabaw na pag-aari ni Efren Agapito patungo sa isang naghihintay na jeep na may plakang CTC 739.
Dahil sa pawang mga estranghero ang mukha ng mga suspek sa nabanggit na barangay ay kinuwestiyon ng mga opisyal ng barangay hanggang sa matuklasang mga kawatan ng kalabaw ang mga suspek.
Agad namang dinala sa himpilan ng pulisya ang mga suspek at sinampahan ng kaukulang kaso. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)