^

Probinsiya

Highway robbery: 1 patay, 1 sugatan

-
LUCBAN, Quezon – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang empleyado ng Oil Mill matapos na pagbabarilin ng tatlong hindi nakikilalang lalaki na nangholdap sa sinasakyang pampasaherong jeep ng biktima, habang isa pa ang nasugatan noong Lunes ng tanghali sa boundary ng Barangay May-it at Manasa.

Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng ’di pa batid na kalibre ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan ay nakilalang si Leonard Obnamea, 50, may-asawa, empleyado ng MIDC Oil Mill at residente ng Barangay Tiawe

Ginagamot naman sa MMG Hospital sanhi ng isang tama ng punglo sa paa ang isa pang pasahero na si Arvic Tagalugan, 30, ng Makati City.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Floridel de los Santos, may-hawak ng kaso, dakong alas-12:30 ng tanghali ay lulan ng pampasaherong jeep (WDX-890) na minamaneho ni Joselito Esperanza ang biktimang patungo sa Lucban, Quezon.

Pagsapit sa naturang lugar ay nagdeklara ng holdap ang tatlong hindi nakikilalang lalaki kung kaya’t pumalag si Obnamea.

Dahil dito ay pinagbabaril ng mga suspek si Obnamea at tinamaan din ng ligaw na bala si Tagalugan. Habang nagkanya-kanyang pulasan ang mga nahintakutang mga pasahero ay sinamantala rin ng mga suspek ang pagtakas at tinangay ang cash na P.3 milyon ni Obnamea na winidraw sa isang bangko sa Lucena City gayundin ang iba pang mga cellphone ng mga pasahero. (Ulat nina Tony Sandoval at Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

ARVIC TAGALUGAN

BARANGAY MAY

BARANGAY TIAWE

JOSELITO ESPERANZA

LEONARD OBNAMEA

LUCENA CITY

MAKATI CITY

OBNAMEA

OIL MILL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with