Firing squad: 3 patay, mayor ligtas
August 4, 2005 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Nakaligtas sa tiyak na kapahamakan ang isang Mayor ng Pio Duran, Albay, subalit sinawimpalad na mamatay ang tatlo nitong bodyguard matapos pagbabarilin ng mga di pa nakilalang armadong lalaki sa naganap na karahasan sa lalawigan ng Masbate kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang nakaligtas na target na si Pio Duran Mayor Dante "Gabby" Arandia, samantala, nasawi naman ang kanyang mga bodyguard na sina Fernando Arciaga, 34; Dindo Lonasanin, 35 at isang may apelyidong Casimiro, Jr, 34.
Sa ulat na tinanggap kahapon ni PNP Chief Director General Arturo Lomibao, naganap ang insidente kamakalawa sa bisinidad ng San Vicente, Ligao City, Masbate dakong alas-singko ng hapon.
Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang lulan ng kanyang Land Cruiser ang alkalde kasama ang kanyang mga bodyguard nang harangin ang mga ito ng walong armadong kalalakihan.
Inutusan ng mga armadong lalaki si Arciaga at dalawang bodyguard na bumaba ng sasakyan kung saan pinapila ang mga ito saka niratrat hanggang sa mamatay.
Bunsod ng naramdamang panganib sa kanyang buhay ay mabilis na pinatakbo ng alkalde ang sasakyan palayo sa nasabing lugar.
Sunud-sunod na putok ang umalingawngaw at matapos ang ilang oras ay narekober ng mga awtoridad ang bangkay ng mga bodyguard ng alkalde na pawang tadtad ng mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan. (Ulat nina Joy Cantos at Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest