Nagkapikunan, binata tinodas

CAVITE — May posibilidad na nagkapikunan sa kantiyawan kaya pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 29-anyos na lalaki ng kainuman ng alak, habang isa pa ang malubhang nasugatan sa naganap na rambulan sa Barangay Pasong Langka sa bayan ng Silang, Cavite kamakalawa.

Nakilala ang biktimang si Jun Paglinawan, habang kritikal naman ang kasamahan nitong si Eduardo Sananggay, 38 na kapwa naninirahan sa nabanggit na barangay. Ayon kay SPO1 Zosimo Casabal, sumuko naman ang 38-anyos na suspek na si Renato Alvis matapos isagawa ang krimen dakong alas-onses ng gabi. (Ulat ni Lolit Yamsuan)

Show comments