Biyahera ng marijuana, nasakote
August 3, 2005 | 12:00am
BAGUIO CITY Isang 31-anyos na katutubong Ifugao ang dinakma ng pulisya makaraang makumpiskahan ng labintatlong kilong pinatuyong dahon ng marijuana sa terminal ng pampasaherong bus sa Magsaysay Avenue ng lungsod na ito kamakalawa.
Kinilala ni P/Senior Supt. Isagani Nerez, city director ng Baguio City Police Office (BCPO), ang suspek na si Florence Bulagan Babag ng Barangay Buscalan, Tinglayan, Kalinga.
Sa ulat, ang suspek ay pababa na sana ng Rising Sun Bus (AYC-383) mula sa bayan ng Bontoc, Mt. Province nang sitahin ng konductor dahil sa hindi nagbayad ng pasahe.
Agad na tinawag ni Gansiano Bangsad si SPO4 Rendered Kiblasan upang sitahin ang suspek at nang kausapin ay nanginginig ito at hawak-hawak ang isang bag at karton.
Naamoy ni SPO4 Kiblasan ang bitbit na epektos ng suspek, kayat pinagsabihan nitong buksan ang karton at dito ay nakita ang mga marijuana bricks.
Ikinatwiran ng suspek na wala siyang alam na may marijuana ang bitbit na bag at dadalhin lamang niya sa katagpo dalawang babae na hindi binanggit ang pangalan sa may harapan ng Maharlika Livelihood Center.
Napag-alamang pangalawang beses na nagtungo ng Baguio ang suspek na pinaniniwalaang nagbibitbit din ng kilu-kilong pinatuyong dahon ng marijuana. (Ulat ni Artemio Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 17 hours ago
By Victor Martin | 17 hours ago
By Omar Padilla | 17 hours ago
Recommended