Trak vs bus: 7 natodas
August 3, 2005 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Pitong sibilyan ang kumpirmadong nasawi makaraang salpukin ng trak ang kasalubong na pampasaherong mini-bus na sinasakyan ng mga biktima sa kahabaan ng highway malapit sa Hacienda Gaston sa Barangay Punta Mesa sa bayan ng Manapla, Negros Occidental kamakalawa ng hapon.
Dead-on-the-spot sa sakuna si Elizabeth Jabaro sa tinamong malalalim na sugat sa katawan at pagkabagok ng ulo.
Idineklarang patay sa pagamutan sina Francisco Agabon, Leorosa Alcarte, Dominador de la Peña, 76 at tatlo pang di natukoy ang pangalan.
Ang mga nasugatang biktima ay kasalukuyan nang ginagamot sa Victorias Hospital, Silay Provincial Hospital at Corazon Montelibano Memorial Hospital.
Batay sa imbestigasyon, ang sakuna ay naganap sa nasabing highway dakong alas-2:45 ng hapon.
Sa ulat, nabatid na kasalukuyang binabagtas ng trak na may lulang 45-katao patungo sa hilagang direksyon nang biglang tumilapon ang goma nito.
Bunsod nito tuluy-tuloy na sumalpok ang trak sa pampasaherong bus na ikinasawi ng pito sa mga pasaherong lulan nito. Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang naganap na sakuna. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest