Tumangging sumapi sa NPA itinumba

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Pinaniniwalaang minasama ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang ginawang pagtangging sumapi sa kanilang samahan ang isang 17-anyos na magsasaka kaya pinagbabaril na lang hanggang sa mapatay ang biktima sa sariling bahay na sakop ng Sitio San Antonio, Barangay Manangle sa bayan ng Sipocot, Camarines Sur, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Dominique Bon. Napag-alamang umalis ang biktima sa kanilang bayan bago nagtungo sa Maynila hanggang sa bumalik uli sa nasabing bayan para alagaan naman ang inang may sakit, subalit hindi inakalang may nakaambang kamatayan. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments