^

Probinsiya

Dalagita ni-rape slay ng pinsan

-
ANTIPOLO CITY – Matapos ang isang linggong pagkawala ay natagpuan kamakalawa ng gabi ang bangkay ng isang 14-anyos na dalagita na pinaniniwalaang ginahasa at pinatay ng kanyang pinsang barangay tanod sa Sitio Cabcab Brgy. San Jose ng lungsod na ito.

Dakong alas-9:20 ng gabi nang matagpuan ang naaagnas na bangkay ng biktimang si Jessica Lira Garcia, high school student at residente ng Sitio Cabcab, Buso-Buso, Brgy. San Jose ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Jesus Magno, natagpuan ang bangkay ng biktima na walang pambabang kasuotan sa isang madamong bahagi ng Sitio Cabcab ng nasabing barangay matapos na sundan ng mga residente ang pinanggalingan ng isang masangsang na amoy.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng mga tauhan ng pulisya ang barangay tanod na pinsan ng biktima na pinaniniwalaang gumawa ng karumal-dumal na krimen na si Noli Orlanes, 30, na ngayon ay hindi na matagpuan sa kanyang tinitirhang bahay.

Huling nakitang buhay ang biktima noong Hulyo 24 ng hapon kasama ang suspek dahil magpapasama umano ang huli sa bahay ng nililigawan nito. Mula noon ay hindi na ito nakita pa gayundin ang suspek sa nasabing lugar. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

BRGY

BUSO-BUSO

DAKONG

EDWIN BALASA

JESSICA LIRA GARCIA

JESUS MAGNO

NOLI ORLANES

SAN JOSE

SITIO CABCAB

SITIO CABCAB BRGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with