^

Probinsiya

Sayyaf bomber nadakma

-
CAMP AGUINALDO — Bumagsak sa kamay ng tropa ng militar ang itinuturing na subleader ng Abu Sayyaf urban terrorist group (UTG) na responsable sa serye ng pambobomba sa Kamindanawan makaraang magsagawa ng operasyon sa hangganan ng Barangay Recodo at Ayala sa Zamboanga City kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni AFP-Southern chief Lt. General Alberto Braganza, ang suspek na si Alex Kahal alyas Alex Alvarez ay sugatang nadakip matapos na manlaban sa bagong tatag na anti-terror Task Force Zamboanga na pinamumunuan ni Col. Edgardo Gidaya.

Napag-alamang si Kahal ay sangkot sa pambobomba sa Shop-O-Rama Market sa Malagutay noong Oktubre 2002 na kumitil ng tatlong buhay kabilang na ang isang kasapi ng US Special Forces at ikinasugat ng hindi nabatid na bilang na sibilyan. Sangkot din si Kahal sa pagdukot sa 50 guro at estudyante ng Claret Elementary School at Tumahubong National High School sa Punoh Mahaji, Sumisip, Basilan noong Marso 2000.

Ang grupo rin ni Kahal ang responsable sa pambobomba sa SuperFerry 14 noong Pebrero 27, 2004 at serye ng Valentine’s Day bombing sa Makati City may ilang buwan na ang nakalipas.

Si Kahal na kasama sa 15-man demolition team kabilang si Abu Kosovo na nagsanay sa Barangay Usao, Patikul, Sulu ay ginagamot sa Camp Navarro Hospital sa Punong-tanggapan ng Southern Command dahil sa tinamong tama ng bala sa ibabang bahagi ng katawan. (Ulat nina Joy Cantos at Roel Pareño)

ABU KOSOVO

ABU SAYYAF

ALEX ALVAREZ

ALEX KAHAL

BARANGAY RECODO

BARANGAY USAO

CAMP NAVARRO HOSPITAL

CLARET ELEMENTARY SCHOOL

EDGARDO GIDAYA

GENERAL ALBERTO BRAGANZA

KAHAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with