3 killer ng konsehal nadakma
August 1, 2005 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi Tatlong kasapi ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) na pinaniniwalaang sangkot sa pagpatay sa municipal councilor ang nasakote ng mga tauhan ng pulisya sa Barangay Bulawan sa bayan ng Lupi, Camarines Sur kamakalawa. Nahaharap ngayon sa kasong murder ang mga suspek na sina Raymundo Malinao, 30; Randy Belesario, 24 at Nomer Dela Torre, 23, na pawang nakabase sa Barangay Culacling detachment ng Phil. Army. Ang mga suspek ay itinuturong pumatay kay Konsehal Dennis Sevilla may ilang araw na ang nakalipas. (Ed Casulla)
>CAVITE Dalawang sibilyan ang iniulat na pinaslang sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa bayan ng Imus at Mendez, Cavite kamakalawa. Isa sa biktima, si Angelito Arca, 50, ng Barangay Palico 4, Imus, Cavite ay pinagtataga ng samurai sa kanyang bahay ng hindi kilalang suspek at pinaniniwalaang pinagnakawan. Ayon sa pulisya, tatlong araw bago madiskubre ang bangkay ni Arca matapos na umalagwa ang masangsang na amoy mula sa bahay ng biktima. Samantala, sinaksak at napatay si Stephen Miraflores ng hindi kilalang lalaki habang naglalakad sa madilim na bahagi ng Barangay Anuling Cerca 2 sa bayan ng Mendez, Cavite. (Cristina Timbang)
BULACAN Pinaniniwalaang mabilis na mareresolba ng mga tauhan ng pulisya ang kasong pagpatay kay piskal JulioTaloma noong Hulyo 25 makaraang masakote ang isa sa itinuturing na suspek kamakalawa sa bahagi ng Barangay Pajo sa bayan ng Meycauayan, Bulacan. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Romeo Quilantang, dinakma ang suspek na si Randy Climaco sa kanyang pinagkukutaan. Base sa record ng pulisya, si Piskal Taloma na lulan ng Toyota Corolla na may plakang PRU-781 ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang lalaki sa bisinidad ng Barangay Camalig, Meycauayan, Bulacan. (Efren Alcantara)
CAMP AGUINALDO Dalawang rebeldeng New Peoples Army ang napatay sa madugong sagupaan laban sa pangkat ng Armys 52nd Reconnaissance Company at Armys 53rd Military Intelligence Company (MICO) sa bahagi ng Barangay Pila East, Sta. Lucia, Ilocos Sur kahapon ng umaga. Kasalukuyang pang inaalam ng militar ang pangalan ng dalawang napatay na rebelde, samantala, sugatan naman si Corporal Rodel Camate. Base sa ulat, nagpapatrulya ang tropa ng militar nang biglang sumiklab ang bakbakan na tumagal ng ilang minuto bago umatras ng mga rebelde. (Joy Cantos)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended