^

Probinsiya

P 250-M buwis ibinayad sa Nueva Vizcaya

-
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Hindi maisalarawan ang tuwa ng mga lokal na opisyal sa lalawigang ito makaraang magbayad ng P250 milyon real property tax ang California Energy (CalEnergy), bilang obligasyon, kasabay ng SONA ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Lunes, Hulyo 25.

Ayon kay Nueva Vizcaya Governor Luisa Lloren Cuaresma, nagbunga din ang matagal ng ipinaglalaban ng lalawigang ito na makolekta ang buwis mula sa US-based Casecnan Energy Casecnan Water and Energy Company Inc., matapos malaman ng mga opisyales ng nasabing kompanya na hindi nagbibiro ang provincial government na ipagpatuloy ang plano na buksan ang CMIPP para sa public auction.

"Dapat lang na bayaran nila ang obligasyon sa ating lalawigan, dahil kung wala ang Nueva Vizcaya saan sila kukuha ng 805 million cubic meters na tubig para sa CMIPP na nagbibigay kuryente at patubig ngayon sa mahigit 37,000 ektaryang bukirin sa Nueva Ecija at 102,000 ektaryang National Irrigation Authority service area sa Upper Pampanga Integrated Irrigation System," pahayag pa ni Cuaresma.

Ayon naman kay Desiderio Perez, provincial legal counsel, ang isa pang dahilan kung bakit napilitan ang mga opisyales ng CalEnergy na bayaran ang real property taxes ay matapos na tumanggi ang Regional Trial Court (RTC) sa kahilingan ng mga ito na mag- issue ng temporary restraining order (TRO) para pigilan ang provincial government sa planong ilagay sa public auction ang mga pangunahing kagamitan ng CMIPP.

Tiniyak naman ni Gov. Cuaresma na ang nasabing halaga ay magagamit sa iba’t ibang programa, proyekto at pangangailangan ng lalawigan lalo na ang mga mahihirap para mai-angat ang antas ng ekonomiya sa lalawigang ito. (Ulat ni Victor Martin)

AYON

CALIFORNIA ENERGY

CASECNAN ENERGY CASECNAN WATER AND ENERGY COMPANY INC

CUARESMA

DESIDERIO PEREZ

NATIONAL IRRIGATION AUTHORITY

NUEVA ECIJA

NUEVA VIZCAYA

NUEVA VIZCAYA GOVERNOR LUISA LLOREN CUARESMA

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with