Mag-ina dinedo ng barangay captain
July 29, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Animoy nilukuban ng masamang espiritu ang isang barangay captain makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang mag-ina na sakay ng traysikel sa bahagi ng Barangay Legazpi sa bayan ng Tayug, Pangasinan, kamakalawa.
Dalawamput anim na bala ng M16 armalite rifle ang tumapos sa mag-inang Lourdes Paga, 51 at Joel Paga, 26, ng nabanggit na barangay.
Tinutugis naman ang suspek na si Barangay Captain Nelson Antonio na mabilis tumakas bitbit ang ginamit na armas sa pamamaslang.
Sakay ng traysikel ang mag-ina na minamaneho ni Joel at nang matapat sa harap ng bakuran ng pamilya Antonio ay hinarang ng suspek ang sasakyan.
Napag-alamang hindi na kinausap ng suspek ang mag-ina at basta na lamang binistay ng bala ng armalite hanggang sa mapaslang.
Ayon kay PO2 Reynaldo Mallari, apat na saksi ang positibong nakakilala sa suspek na responsable sa pamamaslang sa mag-ina.
May teorya ang pulisya na may matinding alitan ang pamilya Antonio laban sa mag-ina kaya posibleng paghihiganti ang pangunahing motibo sa krimen. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended