Nahaharap ngayon sa kasong extortion at administratibo ang suspek na si Jacquel Solita, empleyada ng Regional Conular Office-Cebu.
Si Solita ang humahawak sa pagpo-proseso ng pasaporte ng mga aplikante para sa ibang bansa sa naturang rehiyon.
Sa ulat ng NBI-Region 7, dumulog sa kanila ang biktimang si Remedios Dunlap ng Calape, Bohol matapos na hingian siya ni Solita ng P8,000 para iproseso ang kanyang aplikasyon sa pasaporte noong Hulyo 16.
Nagsagawa naman ng entrapment operation ang NBI kung saan naaktuhan si Solita na tinatanggap ang marked money buhat kay Dunlap sa harapan ng gusali ng naturang ahensya. (Ulat ni Danilo Garcia)