Mister nag-suicide dahil sa bungangerang misis
July 26, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Posibleng naburyong sa pagiging bungangera ng sariling misis kaya nagawang magbaril sa sarili at napatay ang isang 50-anyos na mister sa kanilang bahay sa Barangay Bulacao, Cebu kamakalawa ng gabi.
Base sa ulat, naganap ang insidente bandang alas-9:45 ng gabi sa loob ng bahay ng biktimang si Jolly Golloso Sr. sa Sitio San Vicente ng nabanggit na barangay.
Sa impormasyong nakalap ng pulisya mula sa asawang si Bernarda Golloso, bago magbaril ang biktima ay nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo tungkol sa pera.
Sinabihan ng biktima ang kanyang asawa na tumigil na sa katatalak dahil nakakabingi at kung hindi titigil ay magbabaril sa sarili ang lalake.
Hindi pinansin ng misis ang banta ng kanyang mister at nagpatuloy sa pagbubunganga habang paakyat ng kanilang bahay at iniwan na nito ang biktima sa ibaba.
Ayon pa sa ulat, ilang minuto ang nakalipas ay umalingawngaw ang isang malakas na putok mula sa kinaroroonan ng biktima at nang usisain ni Bernarda ay bumulaga sa kanya ang duguang biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Cristina Timbang | 19 hours ago
By Doris Franche-Borja | 19 hours ago
By Cristina Timbang | 19 hours ago
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am